Brgy. Captain ng Cabangan, Legazpi City, Albay, itinanggi ang impormasyong mayroong 1-day old na batang nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang lugar noong Sabado

LEGAZPI CITY – Matapos na mailabas ng Albay Provincial Health Office (PHO) ang kanilang pinakahuling datos tungkol sa mga nagpositibo sa COVID-19 noong Sabado, Setyembre 3, 2022, itinanggi naman ng isang barangay captain na mayroong nagpositibong indibidwal sa kanilang lugar.

Batay sa tala ng Albay PHO, makikitang isang 1-day old na sanggol ang nagpositibo sa naturang sakit na mula sa Brgy. 19, Cabangan, lunsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay.

Sa parehong datos, nakasaad na asymphtomatic at unvaccinated ang sanggol at kasalukuyang naka-admit sa BRTTH.

Ngunit sa pakikipag-usap ng Brigada News FM kay John Macalampad, barangay captain ng Cabangan, via text message, kanyang itinanggi na hindi nila residente ang nabanggit na sanggol.

Sinabi ng opisyal na ito ay wrong address, at idinagdag niyang mula ito sa Brgy. Buraguis ng parehong lunsod, ayon umano sa 911.

Sa panayam naman kay Amelita Bariso, barangay captain ng Brgy. Buraguis, inihayag niyang wala pa umano silang natatanggap na impormasyon o abiso mula sa 911 na mayroong 1-day old na sanggol ang nagpositibo sa kanilang lugar, gayundin naman, wala pa rin silang natatanggap sa ngayon na mayroong mga indibidwal na nagpositibo sa naturang sakit.

Batay naman sa iba pang nakalap na impormasyon ng Brigada News FM Legazpi, sinabi ni Gina Arevalo, barangay captain ng Cabangan West sa isang text message, tumawag umano sila sa 911 at napag-alamang mula sa Bgry. 19, Cabangan ang nasabing sanggol na nagpositibo.

Samantala, wala pang pahayag si Macalampag sa nasabing impormasyon.

Kung matatandaan, Sabado, Setyembre 3 ng kasalukuyang taon, inilabas ang datos, kung saan pito ang mga nagpositibong mga indibidwal sa COVID-19, kabilang na ang 1-day old na sanggol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *