Mga pantalang naapektuhan ng Bagyong #AghonPH, balik-operasyon na

Balik-operasyon na ang mga pantalang naapektuhan ng bagyong Aghon.

Ayon kay PPA Spokesperson Eunice Samonte, mula sa higit 7,000 pasahero na stranded kagabi ay inaasahan nilang makakasakay na ng barko ang mga ito ngayong araw.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Sa Batangas na may pinakamaraming stranded na pasahero , ay may nakabiyahe na simula kaninang alas dos ng madaling araw.

Naka biyahe na rin ang mga barko sa Mindoro at Palawan na parte ng MIMAROPA na isa sa naapektuhan ng bagyong Aghon.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Kasalukuyan naman nagsasagawa ng assessment ang PPA sa Port of Lucena na pinaka naapektuhan ni Aghon.