Isinagawa sa Subic Bay Freeport Zone Boardwalk area kahapon, araw ng Linggo ang Ironman 70.3.
Ayon sa SBMA Tourism, nilahukan ito ng mahigit 2,500 na turista kabilang ang mga partisipante, pamilya, spectators at organizing committee.
Dahil dito, nakita ng pamunuan ang pagdagsa ng mga turista matapos ang dalawang taon kung kailan nagkaroon ng mas mahigpit na mga restriksyon.
Ngayon na mas maluwag na ang mga restriksyon ay nakakapagdaos na ng ganitong mga aktibidad.
Ang SBFZ ay madalas gawing venue ng mga triathlon events dahil na rin sa ganda ng lugar at pasilidad nito.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: SBMA Media Production
