Lalaking nanakit at sumaksak sa kinakasama naaresto ng Mercedes Police

CAMARINES NORTE- Arestado ang isang mangingisda na nahaharap sa patong- pato na kaso at ikawalo sa listahan ng Municipal Most Wanted Person  sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Kinilala ang akusado na si alyas Doming 37, mangingisda at residente ng Purok 3, Barangay Manguisoc.

Ginawa ang pag aresto kay alyas Doming kahapon ng umaga sa Barangay Lalawigan parehong bayan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng dalawang Regional Trial Court Branches sa bayan ng Daet.

Nahaharap ang suspek sa patong- patong na kasong paglabag sa Republic Act 9262 Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004  bukod pa sa frustrated murder.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Nagrekomenda ang hukuman ng kabuuang halagang 380,000 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek na nasa kustodiya ngayon ng Mercedes MPS para sa kaukulang disposisyon.

Ayon sa ulat ng pulisya, si Doming ang suspek sa pananaksak sa dati niyang kinakasama na naganap sa mismong tahanan ng biktima sa Barangay Manguisoc, Mercedes, Camarines Norte noong buwan ng Hunyo, taong 2021 at ilang beses na pananakit sa nasabing biktima.

Ayon sa World Health Organization isa sa tatlong babae sa buong mundo ang nakakaranas ng pisikal o sexual na pang-aabuso.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Lumalabas din sa pag-aaral na isa sa apat na mga teenager na may karelasyon ay nakakaranas ng pang-aabuso bago pa man sumapit ang kanilang ika-labing syam na kaarawan.

Pero mas marami pa umano ang biktima ng sexual abuse kaysa nitong lumabas na resulta, dahil karamihan sa mga biktima ay tikom ang bibig.

Mula noong taong 2000 hanggang 2018, tumaas ang bilang ng mga biktima at pinalala pa ng pandemya na nagsimula Marso 2020.

Ngayong Marso ay ipinagdiriwang ang National Women’s Month.