Interventions para sa mga pasaway na bata sa Naga , tuloy-tuloy

NAGA CITY – Patuloy ang intervention na ginagawa ng Naga City Council for the Welfare and Protection of Children para matiyak na ang pagbabago ng mga batang pasaway sa lungsod, kabilang sa ginagawa nila ay iyong pakikipag-usap sa mga magulang, pagbibigay ng lektura at pagsailalim sa mga ito sa seminar.

Layunin ng ganitong programa at aktibidad ng NCWPC ay iyong ipaalala sa mga magulang ang mga dapat gawin para maiiwas sa paggawa ng kalokohan ang kanilang mga anak, lalo na kung nasa labas ng bahay o kaya nasa paaralan, na marami pa rin sa lungsod.

Sa paliwanag sa Brigada News FM Naga ni City Administrator Elmer Baldemoro, na siyang head ng NCWPC regular nila itong ginagawa katuwang ang mga barangay kagawad, personahe ng City Social Welfare and Development Office, Women and Children Protection Center ng Naga City Police Office at iba pang local government offices.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *