Pinagtutuunan ng pansin ng National Bureau of Investigation Olongapo ang pagmomonitor sa mga kaso ng human trafficking.
Ito ay bilang pagpapaigting ng opisina sa proteksyon sa mga indibidiwal na nabibiktima nito kabilang na ang mga kababaihan at menor de edad.
Ayon sa NBi isa rin sa mga modus ng mga masasamang loob ay ang tinatawag na sex tourism na kung saan ay may nag-aalok ng escort services o sexual services.
Samantala hinihikayat naman ng NBI ang publiko na ireport ang ganitong mga pangyayari para mahuli ang mga gumagawa nito.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO