Diarrhea, COVID-19 at Pertussis minomonitor ng  MHO Tinambac lalo na sa mga bata

CAMARINES SUR- Minomonitor ng Rural health Unit ng Tinambac , Camarines Sur ang kalusugan ng publiko lalong-lalo na ng mga bata ngayong pumapalit ng temperatrura at lagay ng panahon; mula sa sobrang init,  ngayon ay nararanasan na ang pagpatak ng ulan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Municipal Health Officer Dr. John Paul Reazon, binaggit nito na sa monitoring na wala silang mga kaso ng diarrhea, pinag-iingat pa rin ang publiko sa COVID-19 lalo na’t binabantayan din ang FLiRT variants. Noong nagdaang Hunyo 3, ang Camarines Sur ay may 38-COVID-19 cases. Bukod sa mga ito pinag-iingat din ang mga bata sa pertussis o whooping cough, 21 ang kaso ang huling update ng Department of Health Bicol nitong Mayo 30.

Ayon kay Reazon, marahil, bakunado naman ang mga bata sa Tinambac kaya hindi mabilis kapitan ng naturang mga sakit subalit kung mayroon aniya kaagad na ipakonsulta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *