Insentibo para sa mga residenteng magpapabakuna, planong ibigay ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas, Batangas

Plano ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas, Batangas na bigyan ng insentibo ang mga residente doon na magpaparehistro at magpapabakuna kontra covid-19.

Ito ay bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng lokal na gobyerno upang mahikayat ang bawat taga San Nicolas na magkaroon ng proteksiyon laban sa virus.

Ayon kay San Nicolas Mayor Lester De Sagun, ilan sa tinitignang insentibo na maaring ibigay sa mga magpapabakuna ay pagbibigay ng relief supply, financial assistance pati na rin ang pagkakaroon ng vaccine pass para makapasok sa ibang bayan at establisimyento.

Ipinunto ng alkalde na mas mapapabilis ang pagpapabakuna sa mga residente kung may insentibo na matatanggap ang mga ito maliban sa proteksyon na ibinibigay ng bakuna sa kanila laban sa COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *