Online application para sa educational assistance ng ikalawang distrito ng Zambales, pansamatala munang itinigil

ZAMBALES-Itinigil muna pansamantala ang online application para sa educational assistance ng mga estudyante para sa pangalawang distrito ng lalawigan ng Zambales.

Ito ay upang bigyang daan ang balidasyon ng mga first batch o mga naunang nakapag-apply na.

Sa kasalukuyan ay higit-kumulang dalawang libong studyante ang nakapag-apply na at nakaraang June 22 sinimulan na ang pag-vavalidate sa mga kwalipikadong estudyante.

Ipinaalam naman ng pamunuan ng pangalawang distrito ng lalawigan na huwag mag-alala dahil tinatapos lamang ang validation bago magpost muli ng online application.

Samantala, maaari namang makita ang mga updates para sa aplikasyon sa official facebook page ng second district.//Russell Banawa-BNFM IBA

May be an image of one or more people and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *