Alokasyon ng COVID-19 vaccines sa CALABARZON, nasa mahigit 1.57 million doses na

Nadagdagan pa ang natanggap na bakuna kontra COVID-19 ng CALABARZON Region.

Sa pinakahuling datos ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH-4A, nasa kabuuang 1,574,959 doses ng bakuna ang naibigay na ng nasyonal na pamahalaan sa rehiyon.

Pinakamarami sa bagong naidagdag na COVID vaccines ay ang gawa ng Pfizer.

Kaugnay nito, mula sa dating mahigit 12,000 ay umabot na sa 198,910 Pfizer vaccines ang natanggap ng CALABARZON.

Samantala, lagpas 250,000 na ang fully vaccinated o nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna sa rehiyon mula sa A1 hanggang A4 priority groups.

Mahigit 99,000 sa nakakumpleto ng bakuna ay healthcare workers, nasa 88,000 ang senior citizens, 69,000 ang may comorbidities, at higit 700 naman ang mga essential workers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *