Bumagal ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo nitong Hunyo matapos ang tatlong magkakasunod na buwan na nakapagtala ang bansa ng flat reading.
Sa isang virtual conference, sinabi ni Philippine Statistics Authority (PSA) National Statistician Claire Dennis Mapa na umabot sa 4.1 percent ang inflation noong nakaraang buwan, mas mabagal kaysa sa 4.5 percent rate na naitala noong May, April, at March.
Dahil dito, 4.4 percent ang average inflation ng bansa sa unang quarter ng 2021, mas mataas pa rin sa target band ng gobyerno na 2 hanggang 4 percent.
Sinabi ni Mapa na ang dahilan ng pagbaba ng inflation noong June ay ang mabagal na paggalaw ng Transport index na nasa 9.6 percent na mayroong share na 95.4 percent sa pagbagal ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.