Jeep, nahulog sa bangin sa Kalinga; 1 patay, 12 sugatan

Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang 16-anyos na pasahero habang sugatan naman ang 12 na iba pa matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang jeep sa bahagi ng Maraggob, Dupligan, Tanudan, Kalinga.

Ang biktima na nasawi ay kinilalang si Jandy Bulawit Gallamoy at residente ng ng Barangay Dupligan.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sinabi ni PLT. Florand Sim, Officer-in-Charge ng Tanudan Police Station, bandang alas-3 ng hapon noong July 5 ay binabagtas ng naturang sasakyan ang Tanudan–Banaue national road papuntang Bawak lulan ang mga pasahero galing sa Tabuk City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, paakyat na umano ang jeep nang biglang mawalan ng preno kaya’t hindi na nakontrol ng tsuper na si Loui Cuminag at dumausdos pababa hanggang sa mahulog sa bangin.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Dinala ang 12 na sugatang biktima kabilang na ang apat na bata edad 4-anyos hanggang 9-anyos at isang lola sa Kalinga Provincial Hospital at Almora General Hospital at kasalukuyang nilalapatan na ng lunas.

Photo/ Guru Press