Recio, umaasa na magagamit ang kaniyang kanta sa pagsusulong ng mental health

Umaasa ang singer at composer na si Recio na misusulong niya ang kaniyang adbokasiya sa mental health ngayong nagsisilbi na siya bila isa sa 40 bagong artists ng Star Magic.

Sa media conference para sa Star Magic Black Pen Day ay sinabi ni Recio na nais niyang makatulong sa ibang tao sa pamamagitan ng kaniyang maliit na pamamaraan.

Mababatid na isa rin sa pangarap ni Recio, na isang psychology student, na balang araw ay magagamit ang kaniyang kanta sa isang coming-of-age film, na kayang mag-trigger ng nostalgia.

Inamin naman ni Recio sa parehong media conference na kung mabibigyan siya ng pagkakataon ay nais niyang maging mentor ang record producer, composer, at singer na si Rico Blanco.

Ipianliwanag ni Recio na noong High School pa lang kasi siya ay iniidolo na niya si Rico.

Kamakailan lang ay inilabas na ni Recio ang kanyang kanta na “Tired Eyes” na siya mismo ang nagsulat at nag-produce sa ilalim ng Tarsier Records.

Matatandaan noong June 19 ay ginanap ang makasaysayang Star Magic Black Pen Day kung saan ay naging opisyal na kabahagi ng tanyag na talent agency ang 40 artists kabilang na ang singers at total performers na sina Recio, Sab, Sheena Belarmino, JM Yosures, Matty Juniosa, Enzo Almario, Lucas Garcia at Janine Berdin.