Incoming Finance Sec. Diokno, bukas na buwisan ang mga mayayaman

Hindi tututulan ni incoming Finance secretary Ben Diokno ang mga panukalang ipatupad ang ‘wealth tax’ o ang pagpapataw ng buwis sa mga pinakamayayamang tao sa Pilipinas.

Sa isang panayam, sinabi ng BSP Governor na matagal na itong sinusulong ngunit hindi lang nakakalusot sa Kongreso.

Bagamat wala umano siyang objection dito, kinakailangan pa ring aralin kung hindi ba maaaksaya ang panahon ng Senado at Kamara para maipasa ang batas sa buwis sa mga mayayaman.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Giit ni Diokno, dapat kasing malaman kung mayroong mas efficient na pamamaraan para makakokelta ng buwis kagaya na lamang ng Value Aded Tax.

Samantala, nilinaw ni Diokno na hindi ito nababahala sa lumobong utang ng Pilipinas na nagakakahalaga ng P12.68Trillion at inaasahang sisipa pa ng hanggang P13.1Trillion sa pagtatapos ng taon.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Kumpiyansa umano siya na may kakayahang maibsan ang epekto nito sakali mang bumilis ang economic growth ng bansa.

Aniya, sakaling lumago ng 7% ang ekonomiya ngayong taon, at 6% sa susunod na anim na taon ng susunod na administrasyon, posibleng mabawasan ang mga mahihirap sa Pilipinas.
#