Asahan na ang panibagong round ng fuel price adjustment sa susunod na linggo.
Ayon sa abiso ng Unioil, posible ang dagdag-bawas sa presyo ng gasolina at diesel.
Asahan ang P1.00 hanggang P1.20 na umento sa kada litro ng diesel; habang mayroon namang P1.50 hanggang P1.60 na rollback sa kada litro ng gasolina.
Sa araw ng Lunes inaasahang mag-aanunsyo ng pinal na price adjustments ang iba pang mga oil companies, at ipatutupad ito sa araw ng Martes.
#