Aminado ang Department of Health na limitado pa rin ang global supply ng bakuna para sa monkeypox.
Sa isang panayam, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na maging sa Estados Unidos, kakaunti pa lamang ang naimbak nitong suplay ng bakuna kontra sa smallpox – bakuna na maaaring makatulong sa immunity kontra monkeypox.
Aniya, kulang na kulang pa ang mga naproduce na bakuna nito at ang US supply ay naka-reserve lamang para sa kanilang mga sundalo.

Sa kasalukuyan, wala pang EUA o emergency use authorization na ini-isyu para sa mga antiviral drugs kontra monkeypox.
Mahalaga aniya sa ngayon ay higpitan ang border control, at sumunod pa rin ang publiko sa minimum health public standards.
Una nang nagpahayag ng pagkabahala ang World Health Organization at sianbing posibleng ‘peak of iceberg’ pa lamang ang nade-detect na monkeypox cases.
#