38 na mga Pinoy, bagong lumikas sa gitna ng krisis sa Ukraine

Nailikas na rin ang tatlumpo’t walong iba pang OFW sa bansang Ukraine mula sa lungsod ng Kyiv kung saan ang sentro ngayon tensyon sa bansa.

Sa panayam ng Brigada News FM Palawan kay United Filipino Global Ukraine Head, Shirley Santosildes, 8:40 ng umaga (oras sa Ukraine) ay sakay na sila ng isang bus papunta malapit sa border ng Ukraine at Poland.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Una nang nailikas ang mga residente ng Kyiv papunta sa mga ligtas na lugar.

Kahapon ay pinasabog ng bansang Russia ang military airport hanggang kanina.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Sa kabila ng krisis dulot ng pag-atake ng Russia ay tiniyak ni Shirley na ligtas ang mga Pilipino doon at umaasa silang walang madadamay sa kagulohan ng dalawang bansa.

Ang Ukraine ay una nang isinailalim  sa state of emergency.