Inayos na NIA Dam sa Minalabac Camarines Sur pormal nang binuksan

NAGA CITY – Mas magiging produktibo na ngayon ang pagsasaka sa ilang barangay sa bayan ng Minalabac Camarines Sur na benipisyaryo ng bagong repair na Taisan Dam Project ng National Irrigation Administration.

Sa panayam ng media kay Maribel Lumapad, ang secretary ng San Jose/Magadap Irrigators Association, sinabi nitong malaking tulong sa kanilang mga magsasaka ang bagong repair na dam na ito dahil hindi na sila aasa sa tubig-ulan.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Partikular na matutubigan nito ay ang 350 ektaryang sakahan sa Barangay San Jose at Magadap kung saan nasa 165 magsasaka ang makikinabang.

Nagpasalamat siya sa National Irrigation Administration o NIA dahil sa prohektong ito.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ginawa ang inauguration ceremony kahapon na dinaluhan mismo ni NIA Administrator Ricardo Visaya at ilang matataas na opisyal ng NIA Bikol kabilang na si NIA Regional Director Fredie Toquero, Minalabac Mayor Cris Lizardo at ni 2nd District Congressman Lray Villafuerte.

Masasakop din ang Taisan sa Bayan ng Bula. Nagkakahalaga ito ng mahigit P6M.