Nasa 13,330 na mga indibidwal sa Catanduanes, fully vaccinated na kontra COVID-19

CATANDUANES– Inanunsiyo ng Catanduanes Provincial Health Office na pumalo na sa 13,330 indibidwal sa islang lalawigan ang fully vaccinated na kontra COVID-19 habang 19,959 individuals naman ang nabakunahan na ng unang dose ng bakuna.

Katumbas ito ng 67% ng target population ng lalawigan na mabakunahan upang maabot ang herd immunity bago matapos ang taon. Samantala, batay naman sa pinakahuling tala ng PHO as of July 26, nasa 28,084 vials na ng COVID-19 vaccines ang  natanggap ng probinsya mula sa national government.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Kabilang dito ang 25,553 vials ng Sinovac; 731 vials ng AstraZeneca at 1,800 vials naman ng Janssen COVID-19 vaccine.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang vaccination roll out sa islang lalawigan partikular sa mga nasa A2 at A3 priority group o ang mga senior citizens at mga may comorbidities.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Kahapon araw ng Huwebes, nasa 600 karagdagang senior citizens ang nabakunahan ng single shot na Janssen vaccine sa Regional Evacuation Center sa bayan ng Virac.

Ayon sa PHO, araw-araw na isasagawa ang pagbabakuna sa naturang vaccination site hanggang sa maubos ang suplay ng Janssen vaccine na inilaan para sa mga senior citizens o (A2) Priority Group.###