Imbestigasyon ukol sa criminal activities sangkot ang mga POGO, sisimulan na ng Kamara sa Miyerkules

Kasado na ngayong Miyerkoles ang pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety at Games and Amusements ukol sa mga naiuulat na criminal activities sangkot ang Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Alinsunod ito sa direktiba ni House Speaker Martin Romualdez na magkasa ng komprehensibong congressional probe bilang bahagi ng commitment ng gobyerno na sugpuin ang krimen at siguruhing epektibong naipatutupad ang umiiral na regulasyon.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Ayon kay Santa Rosa City Representative Dan Fernandez na siyang chairperson ng komite, sesentro ang motu proprio inquiry sa mga ilegal na POGO kung saan sinasabing marami ang naitalang paglabag sa batas.

Sisilipin aniya sa imbestigasyon ang posibleng epekto ng mg illegal na POGO sa pambansang seguridad.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Kinumpirma rin ni Fernandez na iimbitahan nila sa inquiry ang mga opisyal ng National Bureau of Investigation, Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR at ilang local government units na may area of jurisdiction.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na mahalagang malaman kung compliant o tumatalima sa batas ang mga legal na POGO habang inaayos ang problema sa naitatalang krimen.