BuCor, tiniyak ang mga healthcare services para sa mga PDLs

Nangunguna ang pneumonia at pulmonary tuberculosis sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga persons deprived of liberty (PDLs) sa mga congested na pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor).

Maliban sa mga ito, sinabi rin ng BuCor na ang iba pang dahilan ng pagkasawi ng mga PDLs ay ang myocardial infarction, cerebrovascular accident, acute respiratory failure, congestive heart failure, end stage renal disease, cardiogenic shock, electrolyte imbalance, at upper gastrointestinal bleeding.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Kaugnay nito ay winelcome ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang pagkakalagda ng National Policy on Promotion and Protection of Health in Jails, Prisons, Custodial Facilities, and Other Places of Detention.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sa tulong aniya ng hakbang na ito, mapagbubuti ang kalidad ng mga healthcare services na ibinibigay ng ahensya sa mga PDLs sa pamamagitan ng Directorate for Health and Welfare Services.

Sa huli, tiniyak ni Catapang na ang probisyon sa tama at tuloy-tuloy na healthcare services ay naibibigay sa mga PDLs, gaya ng mga tao sa malayang komunidad.