Target ng Department of Agriculture o DA na marami pang KADIWA store sa bansa ang makapag benta ng 29 pesos na kada kilo ng bigas.
Sa pre-SONA briefing, sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na nasa 13 KADIWA stores pa lang sa ngayon ang nagbebenta ng 29 pesos.
At balak nilang madagdagan ito at maging bente pagsapit ng buwan ng Agosto.
Plano din nilang makapag benta na ng murang bigas sa tatlong probinsya, kabilang ang Cavite, Cebu at Maguindano o Sulu sa unang linggo o kalagitnaan ng August.
Nabatid na sa 29 rice program ng DA, prayoridad sa programa ang mga senior citizens, PWD at beneficiaries ng 4Ps o Pantawid Pamilya Pilipino Program.
Sa ngayon tanging sa mga KADIWA stores pa lang sa National Capital Region makakabili ng 29 pesos na kada kilo ng bigas.