Ilocos Region; idineklara nang insurgency free

Pormal nang idineklara ang Ilocos Region bilang kauna-unahang rehiyon sa bansa na insurgency free matapos lagdaan ang Resolution No. 1 s. 2022 ng Joint Regional Development Council 1 (RDC) and Regional Peace and Order Council 1 (RPOC) at Regional Task Force (RTF-ELCAC) 1 ngayong araw, February 24, 2022.

Ayon kay Northern Luzon Command Commander Lt. Gen. Ernesto Torres Jr, sa pagkakadeklara na ng Region 1 bilang nasa state of Stable Internal Peace and Security ay sisiguraduhin nilang maging ang iba pang rehiyon sa kanilang area of operations ay magiging insurgency free na rin.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Personal namang dumalo sa naturang aktibidad si Secretary Hermogenes C. Esperon, Jr, Chairperson at iba pang opisyal ng RTF ELCAC Region 1.

Ibinahagi naman ni Brig. Gen. Krishnamurti Mortela, Commander of Joint Task Group Defender, ang kanilang mga naging accomplishments sa pagwasak ng komunistang grupo na nasa kanilang nasasakupan.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Kabilang na rito ang pag-neutralized ng 36 high-value personalities, pagbabalik-loob ng 984 NPA regular, pagkakarekober ng 84 firearms at ang matibay na suporta ng 152 municipalities at 3, 564 barangays na nagdeklara ng persona non grata sa mga rebelde.

Samantala, inihayag naman ni Sec. Esperon na dahil sa tagumpay na ito sa ngayon ay pangunahing tututukan na ang gobyerno ang lalo pang pagpapaunlad sa rehiyon.

Photo/NOLCOM