Lolo patay dahil sa Covid-19; aktibong kaso nadagdagan ng isa

SORSOGON CITY – Nadagdagan ang bilang ng mga nasasawi dahil sa Covid-19 sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa pinakahuling datos na ipinalabas ng Provincial Health Office (PHO) Sorsogon, ang nasawi ay isang 63-anyos na lolo mula sa Barangay Cumadcad sa bayan ng Castilla.

Ang biktima ay siyang ika-469 na fatality ng nasabing sakit.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kaugnay nito, patuloy  ang panawagan ng PHO partikular na sa mga senior citizen at mga mayroong commorbidities na hindi pa rin nababakunahan kontra Covid-19 na magpaturok na ng bakuna upang mas lalo pang malimitahan ang mga severe cases at pagkasawi mula sa nakamamatay na virus.

Samantala, umabot naman na sa 18 ang bilang ng aktibong kaso matapos na makapagtala ng isang  positibong kaso ang lungsod ng Sorsogon, habang apat naman ang naitalang recoveries, isa mula sa bayan ng Casiguran at 3 naman mula sa lungsod.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa kabuuan ay umaabot na sa 8,308 ang mga tinamaan ng nasabing sakit sa lalawigan.