Ilang pulitiko sa Albay pormal ng naghain ng COC sa Comelec

LEGAZPI CITY – Pormal ng naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) ang ilang mga Politiko sa Albay sa Commission on Election (COMELEC).

Pinakaunang nagsumite ng kandidatura na si Congressman Edcel Lagman ng 1st District ng Albay na ipinile ng kanyang Representative na si Abner Brigino.

Read More:  Trailer truck plunges off Bukidnon bridge, three trapped for two hours

Makalipas ang isang oras ay nagfile na rin ng kandidatura si Cong. Joey Sarte Salceda ng 2nd District ng lalawigan.

Ayon kay Atty Aurea Bo Bonao, mahigpit ang kanilang ipinapatupad na health protocols upang makaiwas sa nakakahawang sakit na coronavirus disease (covid) 19.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Panawagan din nito sa mga pulitiko sakali man na mayroong di kanais nais nararamdaman sa katawan o may iniindang sakit ay huwag ng tumuloy sa kanilang opisina.

Maaari naman magpadala ng representative sakaling hindi makapunta sa comelec offices bastat kompleto ang mga dokumentos na isusumite.