Mga completely vaccinated sa Albay nasa 21% pa lang ng target population

BICOL—Kinumpirma ng Albay Provincial Health Office (PHO) na nasa 21% pa lang ng target population sa lalawigan ang completely vaccinated laban sa COVID-19.

Katumbas ito ng 160,728 na indibidwal sa kabuuang 987,000 na target mabakunahan upang makamit ang herd immunity.

Base sa tala, 51,675 na ang mga completely vaccinated sa A1 category o mga health workers; 51,675 rin sa A2 o mga senior citizen; 50,985 sa A3 o individuals with comorbidity at 21,000 sa other priority groups.

Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Samantala, umaabot rin sa 150,000 na mga indibidwal sa lalawigan na naturukan ng first dose ang naghihintay ng second shot ng bakuna. Inaasahang magtutuloy-tuloy ang vaccination rollout upang makamit ang herd immunity basta tuloy tuloy din ang pagdating ng mga bakuna.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Mababatid na tumaas nang muli ang mga kaso ng COVID-19 na naitatala sa Albay kung saan sa huling ulat kahapon, ang lalawigan ang pangalawa sa may pinakamataas na bagong kaso sa Bicol na umabot sa 81.###