Ilang Pilipino – gumagawa na raw ng sariling scam hubs ayon sa PAOCC

Napag-alaman ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na may ilang mga Pilipino mula sa mga na-raid na POGO hubs ang ngayo’y sumusubok na magpatakbo ng sarili nilang scam operations.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Sa isang panayam, sinabi ni PAOCC spokesperson Dr. Winston Casio na nakababahala na mga Pilipino ang nagpapatakbo ng naturang mga scam farms.

Kasabay nito, batid na umano ng komisyon ang posibilidad na mangyari ang ganitong insidente.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Ani Casio, naipaalam na nila sa Executive Secretary na darating ang panahon na matutuo at matututo ang mga Pilipino na magsimula ng kanila mismong scam hub.