PNP, may lead na sa pagpatay sa mag-asawang online seller sa Pampanga

May maganda nang lead ang Philippine National Police (PNP) sa riding in tandem suspects sa pagpatay sa mag-asawang online seller na sina Arvin at Lerma Lulu sa Mexico, Pampanga.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief BGen. Jean Fajardo, partikular ito sa backrider.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

May lumapit nang testigo na posibleng magbigay ng pagkakakilanlan nito.

Maaalalang patay sa pamamaril ang mag-asawa habang sakay ng kanilang pick-up truck noong October 4.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Kasama ng mga biktima sa sasakyan ang kanilang 6-yr old na anak ng mga biktima at 14 yr old na pamangkin na parehong nakaligtas sa insidente.

Isa sa anggulong tinitingnan ng pulisya sa pagpatay ang may kinalaman sa negosyo o kaya ay sa personal.