Mar Valbuena – tatakbong Senador

Muling tumindig si MANIBELA Chairman Mar Valbuena laban sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program.

Kasunod ito ng kanyang naging paghahain ng certificate of candidacy ngayong araw sa pagka-Senador.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Anya, dahil kase sa maling implementasyon ng PUVMP ay marami ng drayber, operator at mananakay ang nagdurusa rito.

Kasunod nito, kung sakaling palarin siya ay nais umano niyang pagtuunan ng pansin ang pagtugon dito.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Bago ito, sa naging pagtitipun-tipon ng kanilang grupo, una niyang binatikos ang ‘di umano’y pag-reject ng COMELEC sa accreditation ng MANIBELA bilang isang party-list.