Ikinakasa na ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang pag buo ng komprehensibong flood control program sa Central Luzon, bilang solusyon sa baha na nararanasan ng mga taga Bulacan at Pampanga.
Ayon kay DPWH secretary Manuel Bonoan, kinomisyon na nila ang planning at engineering consulting firm na Woodfields Consultants Incorporated sa paggawa ng epektibo at episyenteng plano para sa Pampanga River Basin.
Nakipag-ugnayan na rin si DPWH Senior Undersecretary Emil Sadain sa Woodfields at binigyang diin na importanteng maisama sa plano ang pagtatayo ng Pampanga River Floodway Flood Control Project na may Retarding swamp sa San Antonio Swamp at Pampanga Delta Development Program Phase 2.
Kabilang din sa ikinokonsidera ng ahensya ang widening ng river channels, pagsasagawa ng viaduct, dike, revetment works, cut-off channel, control weirs, floodgates sluicegates.
