Masayang ibinalita ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na ilang settlements ang nabawi nila mula sa Russia.
Sa kabila nito, hindi muna tinukoy ni Zelensky ang mga nabawing lugar dahil sa paliwanag na hindi pa ngayon ang panahon para tukuyin ang mga ito muila sa Kharkiv region.
Sinabi ni Zelensky na batid niyang ikinararangal ng kanyang mga kababayan ang kanilang mga sundalo kasabay ng kanyang pagbibigay-pugay sa mga ito. Kaugnay nito, inihayag ng ilang US officials na unti-unti ay nagkakaroon ng progreso ang Ukraine laban sa Russian forces na sumakop sa kanila simula noong Pebrero.
Una nang naghigpit ang Ukraine sa kanilang operational security sa nakalipas na mga linggo partikular sa kanilang counter-offensive sa east at south area ng kanilang bansa.
Samantala, nagpahayag ng pagkabahala ang UN human rights officials hinggil sa displacement ng mga tao partikular ng mga bata sa Ukraine.
