Panibagong volcanic earthquake, naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 48 oras

LEGAZPI CITY – Inanunsiyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nakapagtala ng isang volcanic earthquake ang Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay sa lumipas na 48 oras.

Sa buod na inilabas ng PHIVOLCS ngayong araw at kahapon, makikitang nagkaroon ng isang volcanic eartquake sa parehong peryodo.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa buod na inilabas ngayong araw, nagkaroon ang bulkan ng mahinang crater glow, pamamaga, at katamtamang pagsingaw na may 200 metrong taas na napadpad sa gawing kanluranan, mas mababa kumpara sa pagsingaw na naitala noong nakaraang araw na mayroong 599 metrong taas.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Unang naitala na nagkaroon ng isang volcanic earthquake ang Bulkang Mayon para sa buwan ng Setyembre noong Setyembre 6.

Kaya naman paalala ng PHIVOLCS na huwag pumasok sa mga lugar na malapit sa 6km danger zone ng Mayon upang maiwasan ang panganib na dala nito.