Pormal nang nararanasan ngayon ng tatlong anak nina Prince William at asawang si Kate Middleton ang bagong eskuwekahan matapos lumipat sa bago nilang tahanan sa Windsor Castle estate ni Queen Elizabeth.
Sinamahan ng Royal couple ang kanilang mga anak na sina Prince George 9 anyos, Princess Charlotte 7 anyos at Prince Louis, 4 anyos sa kanilang unang araw sa Lambrook School.
Ayon sa head teacher ng eskuwelahan na si Jonathan Perry, excited umano ang tatlong batang Royals sa kanilang unang araw ng pagpasok Una nang ini-anunsyo ng Kensington Palace noong nakaraang buwan na mag-aaral ang tatlong batang Royals sa eskuwelahan na mayroong annual fee na 21,000 pounds o 24,803 kada estudyante.
Ito ay kasunod na din ng kumpirmasyon ng Duke at Duchess ng Cambridge na sila ay lilipat sa Adelaide cottage na isang 4-bedroom property na malapit lamang sa Windsor castle ng 96 year-old queen.
