Iginiit ni Albay Representative Joey Salceda na dapat ay maisama ang tricycle drivers sa fuel subsidy program ng gobyerno para sa public utility vehicle drivers na maaring maapektuhan ng labis ng tuloy-tuloy na oil price hike.
Sinabi ni Salceda, chairperson ng House committee on ways and means, na sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act, ay kasama ang mga tricycles sa fuel subsidy program, na may pondo na halos P2.5 billion.
Sa ilalim ng batas ay mandato ng Department of Transportation na magbigay ng fuel subsidy para sa mga tricycle drivers.
Binigyang diin ng kongresista na “inexcusable” ang pagsasabi na nasa ilalim ng pangangalaga ng local government units ang mga tricycle drivers na dahilan kung bakit ito exempted.
Ipinunto ng mambabatas na dapat ay magkaroon ng tamang pagkilala sa mga tricycles, dahil nasa ilalim naman ito ng batas.
