Tanke ng LPG dapat nasa mabuting kondisyon para iwas sunog- BFP

KORONADAL CITY- REGULAR na i-check ang mga hose at tanke ng ginagamit liquefy petroleum gas o LPG.

Ito ang paalala ni Senior Fire Officer 1 Philip Chan ng Bureau of Fire Protection o BFP South Cotabato sa publiko kasabay ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month ngayong Marso.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Ayon kay Chan na dapat ay nasa mabuting kondisyon ang mga tanke at hose nito upang maiwasan ang leakage at sunog na posibleng mangyari.

Oras na magkaroon ng leakage o may maamoy na gas mula sa LPG, i-off agad ang valve at ipasuri ito at kung kailangan ay palitan na.

Read More:  Motorcycle rider dies in Toledo City collision with armored van

Dapat din na i-off ang tanke pagkatapos gamitin.

Samantala, nanawagan din ang BFP sa mga mamamayan na i-unplug o tanggalin sa kuhaon sa saksakan ang mga appliances na hindi na ginagamit.