Pangulong Marcos, kinilala ang mga makabago at ‘unsung heroes’ ng ating henerasyon

Hindi lang ang mga bayani na nakipaglaban para sa kasarinlan ng bansa ang kinilala ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong National Heroes’ day.

Kasama rin sa kinilala ng Pangulo ang mga ‘unsung heroes’ sa ating henerasyon.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Kabilang dito ang mga magsasaka, ang mga manggagawa na sumusulong sa ating ekonomiya, mga guro na humuhubog sa mga kabataan, ang mga health workers na nagliligtas sa buhay, at mga civil servants na tumutugon sa pangangailangan ng publiko.

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

At maging ang mga mamamayan na gumagawa ng mabuti sa kanilang kapwa.

Ayon pa sa Pangulo, paghugutan natin ng inspirasyon ang lakas ng ating mga ninuno at kapwa Pilipino sa paglikha ng Bagong Pilipinas.