Ikalawang regular RACE ng SSS Daet Branch ngayong taon itinakda sa August 18

CAMARINES NORTE – Itinakda sa August 18 ng taong kasalukuyan ang ikalawang regular Run After Contribution Evaders (RACE) ng SSS Daet Branch para paalalahanan ang non-compliant employers at utusan ang mga itong i-settle ang kanilang obligasyon.

Ayon sa ahensiya, ginagawa ang RACE sa diplomasyang pamamaraan at ipinapaliwanag sa non- compliant employers ang mga option na pwede nilang gawin para malinis ang kanilang record.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Sa pagsasagawa ng RACE ay inilalatag ng SSS ang mga programang makakatulong sa mga employer na may delinquency para ma- settle ang kanilang obligasyon.

Ito ay ang Contribution Penalty, Condonation Delinquency Management and restructuring Program (CPCoDe MRP) para sa business employers at Contribution Penalty Condonation Program (CPCR-P) para naman sa household employers.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Bibigyan ng labing limang araw ang employer para mag- comply at kung mabibigo ay iaakyat ito sa legal division.

Unang nagsagawa ng RACE ang SSS Daet noong Mayo at isang special RACE noong Abril.