LGU Buhi,  sinisikap na walang magiging problema sa supply ng tubig kaugnay sa posibleng epekto ng El Niño

NAGA CITY –Sinisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Buhi, Camarines Sur na walang magiging matinding epekto sa supply ng tubig ang El Niño Phenomenon.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Mark Anthony Nazarrea, Information Officer ng bayan.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Planong dagdagan ang water pump irrigation para sa kanilang mga magsasaka. Pinatingnan na rin ang BAWASA na main source ng tubig sa bayan na sa ngayon ay wala pa namang pagbabago sa supply, nagkakaroon na rin ng mga pag-aayos sa linya upang siguraduhin lamang na walang mga butas na maaaring maging daan na maging contaminated.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Dagdag pa ng opisyal sa kabila na may mga area pa sa lugar na walang linya ng tubig may mga alternatibo naman itong pinagkukunan na kung saan ito rin ang patuloy na ginagawan ng paraan ng LGU.