HVI sa Rizal, nakumpiskahan ng mahigit P1 milyon pisong iligal na droga

Arestado ng mga awtoridad ang isang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation sa Binangonan, Rizal.

Kinilala ng Rizal PPO ang suspek na si alyas “Vandolf,” residente ng Brgy. San Roque, Angono, Rizal.

Naaresto ang suspek matapos magbenta ng ilang sachet ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang 34 transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng 1,156,000.00.

Sa ngayon, nahaharap na ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165, o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (BRIADA INTERN – KHEN ALIX)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *