Chinese national, naharang sa NAIA dahil sa pekeng Philippine tourist visa

Naharang ng mga tauhan ng BUreau of Immigration ang isang Chinese national matapos mapag-alaman peke ang kanyang Philippine Tourist visa.

Ang Chinese national, na nakilala bilang si Su Wenpeng, ay dumating sa bansa sakay ng Cebu Pacific flight mula Hanoi nang siya’y maharang sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Ayon sa dayuhan, mag-isa raw siyang magbabakasyon sa Bohol ngunit napansin ng BI ang mga inconsistencies sa kanyang tourist visa.

Nakumpirma na peke ang visa, matapos isailalim surrin ng forensic documentary laboratory ng ahensiya.

Dahil dito, mapapabilang na ang dayuhan sa blacklist ng ahensiya na magbabawal sa kanya na muling makapasok sa bansa. (BRIGADA INTERN – JESSA QUIROZ)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *