Lalaking patungong Hongkong, naharang sa NAIA dahil sa kasong paglabag sa VAWC

Arestado sa NAIA Terminal 3 ang isang 37-anyos na lalaking pasaherong patungo na sana ng Hong Kong.

Ayon sa PNP Aviation Security Group, inihain nila ang warrant of arrest sa lalaki na inisyu ng Taguig City Regional Trial Court Branch 69 dahil sa paglabag niya sa Republic Act 9262, o mas kilala bilang Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Batay sa warrant of arrest, mayroong inilaang 24 thousand pesos na piyansa ang inilaan ang korte para sa kanyang pansamantalang Kalayaan.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Ang lalaki ay inaresto sa departure area ng NAIA Police Station 3 , MIAA Airport Police Department at Pasay City Police Station Sub-Station 9.

nas akustodiya na ito ngayon ng Pasay City Police Station Sub-Station 9 para sa tamang disposisyon. (BRIGADA INTERN – ANGELINE MESINA)