Binasag na ng Hong Kong actress ang kanyang katahimikan, isang linggo matapos humingi ng paumahin, matapos na pinaitim ang kanyang balat para gampanan ang role ng isang Filipino domestic worker sa isang prime-time television drama.
Mababatid na si Franchesca Wong ay humingi ng paumanhin, isang linggo matapos i-ere ang seventh episode ng broadcaster TVB’s Barrack O’Karma 1968 series, na umani ng online debate at batikos mula sa Philippine consul general sa naturang lungsod.

Kaugnay nito, tinawag ni Philippine Consul General Raly Tejada ang naturang show bilang “downright ignorant, insensitive at totally disgusting”.
Pero ayon kay Wong, wala talaga siyang intensyon na bastusin o racially discriminate ang anumang ethnic group. //MHEL PACIA-TRINIDAD