Mocha Uson, binatikos si Toni G re: Malacañang remark

Binatikos ni Mocha Uson si Toni Gonzaga dahil sa pahayag ng huli na si presidential candidate Ferdinand Marcos, Jr. ay nakatakda na umanong magbalik sa kanyang tahanan sa Malacañang Palace.

Ang pahayag ni Gonzaga, ay sa gitna ng kampanya ni Marcos sa Cebu.

Pagpuna ni Uson, hindi maganda ang sinasabi ni Gonzaga, at napaghahalataang umanong wala itong alam sa public service.

Paalala pa ni Uson, ang Malacañang ay pagmamay-ari ng bawat Pilipino, at ito ay opisina lamang ng public servant ng ating bayan.

Para kay Mocha, tila ipinapahiwatig ng aktres na tila ginawa talaga noon ng pamilya Marcos ang Malacañang bilang tahanan at ngayon ay babalik muli para angkinin ito.