Higit 100 ektarya ng palayan sa Region 2, apektado ng rice blast

Dapat umanong tugunan na kaagad ang problema sa rice blast sa oras na nakita na ang mga sintomas nito sa mga pananim na palay.

Ito ang inihayag ni Minda Flor Aquino, Chief ng Regional Crop Protection Center (RCPC) ng Department of Region 2.

Ayon sa kaniya, isa sa sintomas nito ay ang pagkakaroon ng “brownish” o “mata-mata” at grayish sa gitna nito sa mga dahon ng palay.

Aabot na aniya sa 171.17 na ektarya ang naapektuhan mula sa 12 na munisipalidad sa lalawigan ng Isabela kabilang na ang Alicia, Cabagan, Cabatuan, San Mateo, Sta Maria at Delfin Albano.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nakapagtala na rin umano ng kaso ng rice blast sa mga bayan ng Aglipay, Nagtipunan, Cabarroguis Maddela at Diffun sa Quirino province maging sa Buguey, Cagayan.

Ayon kay Chief Aquino, malaking epekto ng rice blast sa mga pananim na palay kung saan nasa 50-80 na porsyento ng ang mawawala kung napabayaan at hindi kaagad natugunan.

Payo pa niya sa mga magsasaka na ipagpaliban muna ang paglalagay ng nitrogen fertilizer dahil lalo umanong lalala at dadami ang mga peste.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Aniya, dumami ang kaso ng rice blast dahil sa matagal na dew period na naranasan at mga pag-ambon na nagreresulta ng humid atmosphere.

Kailangan lang aniya na mapanatili ang nasa apat na pulgada ng lebel ng tubig sa mga palayan at hindi dapat mawalan ng tubig.

Samantala, hindi naman inirekomenda ni Aquino ang pag-spray ng fungicide kung hindi pa naman Malala ang rice blast.

Gayunman, kapag ang mga palay ay nasa fruiting stage na umano ay maaari nang maaplayan ito ng fungicide.