Higit 100 Davao Police – nahaharap sa administrative case; Mayor Baste – may panawagan sa mga abugado

Mahigit 100 miyembro ng Davao City Police Office ang nahaharap ngayon sa mga kasong administratibo dahil sa umano’y manipulasyon ng police blotter records para palabasin na bumaba ang crime statistics sa lungsod.

Dahil dito, nanawagan si Davao City Mayor Sebastian Duterte sa mga abogado na tumindig at ipagtanggol ang nasabing mga pulis kasabay ng pagbatikos kay Police Regional Office XI director Brig Gen Nicolas Torre III sa paghawak sa nasabing sitwasyon.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Kinuwestiyon din ng Alkalde ang motibo sa likod ng umano’y manipulasyon at sinabing hindi na niya naiintindihan ang administrasyon na wala pang paliwanag kung ano ang kanilang ginagawa ngayon sa lungsod.

Gayunman, aminado si Mayor BAste na hindi perpekto ang puwersa ng kapulisan ngunit ipinagtanggol nito ang mga inalis na Davao Police dahil sa kanilang dedikasyon at serbisyong ibinigay sa mga Dabawenyo.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Kung maalala sa programa ni Mayor Baste, tinawag niya na professional liar si police Brig. Gen. Torre dahil sa kanyang mga akusasyon sa dating mga miyembro ng DCPO.

Una ng sinabi ni Mayor Baste na sasampalin niya ang opisyal oras na makaharap niya ito dahil sa mga hakbang na kanyang ginawa na nakakasira sa kapulisan sa lungsod. (with reports from EMMAN DELA PEÑA – 93.1 BNFM DAVAO)