Nanay ni Caloy – kakasuhan daw ang mga nanira sa kaniya

Maghahain ng kaso ang nanay ni gold medalist Carlos Yulo laban sa mga taong nagpapakalat umano ng mga libelous remarks sa kanyang pamilya.

Ayon sa legal counsel ni Angelica Poquiz Yulo na si Atty. Raymond Fortun, hihingi na ng tulong si Angelica sa National Bureau of Investigation (NBI) sa pagtukoy ng mga indibidwal na gumawa nito.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ipinaaalam din ni Fortun sa publiko na lahat ng mga statements na inaa-attribute kay Mrs. Yulo at sa kahit na sinong anak nito na ‘critical of, disparaging, or tend to tarnish’ ang nakamit ng kanyang anak na si Carlos Yulo ay hindi totoo, peke, at ‘products of imagination and fantasy’ ng mga hindi pa nakikilalang mga indibidwal.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Dahil dito, nagpaalala ang kampo ni Angelica na ang pagse-share ng mga pekeng post, maging ang ‘harsh’ at ‘libelous comments’ sa naturang post ay posibleng managot sa ilalim ng Anti-Cybercrime Law.

Abiso rin ng mga ito na i-delete na ang mga comments para maiwasang madamay pa sa reklamo.