Presyo ng mais, dapat bantayan kasunod ng pagtaas ng inflation rate – kongresista

Hindi na bigas ang problema sa muling pagsipa ng inflation sa 4.4 percent nitong Hulyo mula saa 3.7 percent noong Hunyo.

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda, unti-unti nang bumababa ang presyo ng bigas ngunit nananatiling mataas “year-on-year” at “month-on-month”.

Inaasahan din ni Salceda na magpapatuloy ang downward trend bunsod ng inaasahang pagdating ng suplay mula sa India at Vietnam.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Pero nakikita ng kongresista na susulpot ang isyu ng mais dahil mayroong “momentum” sa presyo nito.

Sa katunayan, binanggit na aniya ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na mino-monitor nila ang sitwasyon noon pang Abril at gumagawa na ng hakbang para tugunan ang isyu.

Punto ni Salceda, dapat nang bigyan ng atensyon ang 5.8 percent na month-on-month inflation sa mais.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Ipinaliwanag pa nito na ang problema sa mais ay bagama’t mababa ang global trading prices year-on-year, hindi maaaring dumepende ang domestic livestock, poultry at dairy sector sa imported na mais.

Nawawala kasi ang sustansya na nakukuha sa imported na mais kapag ibiniyahe at kahit bahagyang humupa ang presyo habang itinataguyod ang minimum access volume system ay hindi pa rin umano ito solusyon.