Heaven Peralejo, Kiko Estrada, isinapubliko ang kanilang relasyon

Kinumpirma nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada ang kanilang relasyon nitong Biyernes, o isang taon matapos unang maging usap-usapan ang kanilang pag-iibigan.

Ginawa nila ito sa pamamagitan ng pag-post ng magkahalintulad na litrato sa kani-kanilang mga Instagram accounts.

Makikita na kabilang sa mga litrato napinost ni Peralejo ang kanilang paghahalikan.

Doon ay mababasa ang simpleng caption na, “His”.

Sa IG account naman ni Estrada, na naging inactive sa social media sa loob ng maraming buwan, ay mababasa sa caption ng post niya ang salitang “I love you” habang sinagot naman ito ni Peralejo sa comments section ng, “I love you too”.

Makikita rin sa kanilang posts ang kanilang alagang aso, na kanilang dinala sa kanilang road trip.

Unang napaghinalaang nagkakamabutihan sina Peralejo at Estrada noong Marso o sa parehong panahon na naging usap-usapan ang break up ng binata sa dati nitong girlfriend na si Devon Seron matapos burahin ng aktres ang mga litrato nila sa Instagram.