4 educators nasawi sa COVID-19 ilang araw bagong pagbubukas ng klase sa Florida

Apat na educators sa pangalawang pinakamalaking district school sa Florida ang magkakasunod na namatay dahil sa COVID-19.

Ayon sa report, naitala ang mga insidente ng pagkamatay ilang araw lang bago ang pagbubukas ng klase sa Boward County school.

Napag-alaman na tatlo sa apat na namatay ay hindi nabakunahan kontra COVID-19 habang hindi pa malinaw kung nabakunahan ang isa pa.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Matatandaan na isa sa mga paksa ng debate sa Florida ang isyu ng school virus protocol kabilang na ang pagri-require ng face mask sa mga estudyante.

Pabor ang Broward school board na i-require sa mga bata ang pagsusuot ng face mask taliwas sa pahayag ni Florida Governor Ron DeSanti na hindi kailangan ang face mask sa mga estudyante.

Base sa datus, nangunguna ang Florida at Texas sa tally ng COVID-19 hospital admission mula August 3 hanggang 9 kung saan 40% ng bagong hospital admission sa buong America ay mula sa nasabing lugar.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Sa kabila nito, nasa ika-26 sa highest death rate ng COVID-19 sa US ang Florida .

Highest death rate naman ay naitala sa New Jersey na mayroong 300 mula sa 100,000 na namatay na sinundan ng New York at Massachusetts.