31 patay dahil sa pagbaha sa Turkey

Umabot sa 31 tao ang patay habang nagpapatuloy pa ang search and rescue operation matapos salantain ng baha ang Northern Turkey.

Ayon sa report, pinakamatinding sinalanta ng baha ang Kastamonu province kung saan naitala ang 29 na patay habang ang dalawa pa sa 31 ay mula naman sa coastal area na Sinop.

Kinailangang gumamit ng helicopter at mga motorized boat ang mga otoridad para ma-rescue ang mga apektadong residente na umakyat pa sa bubong dahil sa taas ng tubig.

Napag-alaman na dahil sa flashflood, may mga gusali na nag-collapse, ilang tulay ang nasira habang maraming sasakyan ang naanod at nalubog sa tubig habang nawalan pa ng power supply sa lugar.

Matatandaan na unang sinalanta ng malalaking wildfires ang Turkey sa southern part naman ng bansa.

Sa ngayon ay kontrolado na ang mga wildfires na nagdulot ng pagkaka-displaced ng libu-libong residente.